nagsasaad ng negatibo at kakulangan hal non-governmental, non-entity
non sequitor (non se•ki•tór)
:
pahayag na nagsasaad na ang kongklusyon ay hindi sumusunod nang lohikal sa mga isinuhay na pangungusap
non feasance (nan fí•zans)
:
hindi pagganap ng isang dapat gawin
art criticism (art kri•ti•sí•zim)
:
kritisismong pansining
art deco (art dé•ko)
:
maimpluwensiyang estilong modernista sa dekoratibong sining noong 1920-1930, gumagamit ng mga heometrikong padron, matitingkad na kulay, matatalas na gilid, kadalasang ginagamitan ng enamel, krómo, tanso, at kininis na bató
non possumus (nun pú•syu•mús)
:
walang kakayahang gumanap sa isang bagay
óp art
:
pinaikling opti-cal art
art noveau (art nu•vów)
:
estilo ng dekoratibong sining, arkitektura, at disenyo na natatangi sa paggamit ng masalimuot na disenyo at motif batay sa likás at hindi magkakatulad na anyo
pop art (pap art)
:
estilo at kilusang nakabatay sa kulturang popular at mass media, lalo na bílang masusing panunuri sa tradisyonal na halagahan sa fine arts.
optical art (óp•ti•kál art)
:
estilo ng abstraktong sining na nag-papakíta ng paggalaw ng mga disen-yo at dulot ng ilusyon na nalilikha nitó
non combatant (nan kóm•batánt)
:
tao o pangkat na hindi kasáma o kalahok sa digmaan
sine qua non (sáy•ni kwo non)
:
kondisyon o katangiang hindi maaaring wala at kailangang-kailangan
non compos mentis (non kóm•pos mín•tis)
:
hindi malusog ang isip, gunita, o pang-unawa; wala sa tamang pag-iisip